Saturday, May 17, 2008

Linggong linggo eh ang drama mo, Regina Quibral!!!

Mabait sa akin ang kapalaran. Kahit na ba sobrang naging gaga ako dati - eto pa rin ako buhay, kumakain ng tatlong beses isang araw, may bahay na nauuwian, may mga kaibigan at pamillyang nagmamahal at nagpapasensya, sumusweldo ng kinsenas, may mga pangarap na natutupad.

Rewind. Pangarap na natutupad. Mali. Dahil sa mga ginawa ko nung aking kabataan, marami akong pangarap na hindi natupad. Iniisip ko kasalanan ko naman kaya di sila natupad. Nagpakatanga ako, tapos ngayon nagmumukmok ako dahil madami akong pagsisisi? Ang galing galing kong magsalita sa ibang tao kapat nawawalan sila ng kumpyansa sa sarili - pero hirap na hirap akong pagsabihan ang sarili ko na magiging mabuti rin ang lahat para sa akin. 

Ewan ko ba kung bakit ganito ang disposisyon ko sa buhay. Ganito talaga siguro ang pakiramdam ng mga taong halos maubusan na ng panahon - ng mga taong madaming sinayang na taon sa buhay nila. Madalas naman ay pinipilit kong maging malakas - parati kong sinasabi na marami naman akong natutunan sa mga pinagdaanan ko dati. Pero kahit anong gawin kong pagkumibinsi sa sarili ko, hanggang ngayon hindi ko pa rin maalis sa sarili ko na napakarami kong mga pagsisisi sa buhay ko - na hanggang ngayon ay dinadala ko pa!

Ha! Eto siguro ang epekto ng pagtratrabaho ng Sabado - nagiging madrama ka pagkagising mo kinaumagahan!!!

No comments: