Friday, March 07, 2008

pagod

makapag-tagalog nga.

napapagod na ako. sa 'yo. oo sa 'yo. 

pag kailangan mo ng suporta, parati mo akong maasahan, para akong cheering squad sa isang pep rally na walang ginawa kundi i-encourage ka.

pero pag ako naman ang lugmok, wala, nilalayuan mo lang ako. may sarili ka kasing mga problema eh.

kung makapagselos ka, akala mo ang ganda-ganda ng girlfriend mo. eh wala nga sa aking nagkaka-interes dito,noh!

pero pag ako naman ang kailangang magselos, kahit hindi ko sa yo pinapakita, kahit pilit kong tinatago dahil alam kong petty lang ang pagseselos ko, ang akala mo sa akin luka-luka ako.

kala ko ba for better or for worse? naglolokohan lang yata tayo.


No comments: