Monday, October 22, 2007

Dahil sa yo, Joshua...

Joshua, Nahihirapan na akong mag-English. Tatagalugin ko na lang.

Mahal kita Joshua. Mahal na mahal. Ikamamatay ko pag hindi kita nakasama sa buhay ko. Ngayon lang ako nagkaganito. Ngayon lang ako umiyak sa dahil masaya ako. Ngayon lang nagkaroon ng purpose and buhay ko. Akala ko mamamatay na akong mag-isa, pero dahil andiyan ka para sa akin, hindi na ako natatakot.

Nang sinabi mo sa akin, nalulungkot ka at gusto mong may makasama, hindi ako nagalit, pinilit kong intindihin ka. Mas gusto ko pang maligaya ka kahit sa piling ng iba, kaysa naman sa nalulungkot ka dahil malayo ako. Naniwala akong mahal mo ako at marerealize mo din na mahal mo ako - at hindi ako nagkamali.

Araw-araw akong madarasal at maghihintay sa yo. Pangako ko yan.

No comments: