Thursday, February 14, 2008

The Regina Monologues - Follicular Pharyngitis

Regina: Miss Nurse, pakitingnan naman ang lalamunan ko ang sakit eh.

CVG Nurse: (tiningnan ang lalamunan ko at pagkatapos ay nagsabi ng..) Miss, wala naman kayong problema dahil di naman namamaga ang tonsils nyo.

----

Anak ng tinapay naman o. Eh hindi lang naan tonsils ang dahilan ng pamamaga ng lalamunan. HIndi nya ko tuloy binigyan ng clinic pass.

----

Kailangan ko tuloy magcalls kahit gasgas na boses ko. Eh kasi naman tonsils ko nga hindi inflammed, yung walls lang naman ng throat ko ang namumula.

----

So nagpatingin ako sa doctor.

Regina: Doc, what can I do to get rid of the pharyngitis?(syempre English taga call center ako eh)

Doctor: Hija, you should stop working in a call center.

----

Anak ng mayonnaise naman o. Pinagreresign ako ni Doc dahil daw hindi na kaya ng lalamunan walls ko ang pressure ng pagiging call center agent.

----

Okay, okay, nagresign ako sa pagiging agent, naging supervisor at naging manedyer. Hindi ako nagyoyosi, tamang inom lang, tipong pag may bertday, and all that jazz, so siguro naman okay na yun.

----

But wait there's more. Follicular pharyngitis. Voice rest daw. As in bawal makipagchikahan. Yan ang verdict ni Doktora Liu ng Medical City nung sumugod ako kaninag alas-kwatro ng madaling araw.

----

Anak ng lettuce naman o. Nagpapromote na nga ako't lahat may problema pa rin ako sa lalamunan?

---



No comments: